Wednesday, January 23, 2019

The City of Pines


      Ika-16 ng Disyembre taong 2017 noong nagbakasyon kami ng aking nakatatandang kapatid sa lugar na tinatawag na "Summer Capital of the Country". Hindi ko maipahayag ang labis na aking nadama nang sabihin sa sakin na magtatagal kami roon ng dalawang araw at isang gabi. Wala pang bukang liwayway ay handa na kami sa paglalakbay na isasagawa. Una kaming huminto sa rebulto ng leon, isang palatandaan na nasa lungsod na kami ng Baguio. Sa aming pagbaba sa sasakyan, ang lamig ng hangin ang sumalubong samin at tila kulang ang telang yumayakap sa amin, kung kaya't bumili kami ng pinagmamalaki nilang strawberry taho upang maibsan ang lamig ng panahon.      
     Sumunod naming pinuntahan ang Our Lady of Atonement Cathedral o mas kilalang Baguio Cathedral, ang salitang ganda ay kulang pa upang ilarawan ang matayog na simbahan at sa panahon na ring iyon, nasaksihan namin ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Napagdesisyunan naming magkapatid na sa Read and Brew na lamang almusal na matatagpuan malapit sa simbahan. Ang kanilang lugar ay napakatahimik at nag-aalok ng iba't ibang librong babasahin. Pagkatapos mag-agahan, dumeretso kami sa Baguio Botanical Garden na may nagagandahang bulaklak ang makikita sa kahit saan ka man tumingin. Nagtungo kami sa Wright Park at the Mansion, ang lugar na ito ay napaka-elegante na makikita pa lamang sa disenyo ng gate ng bakuran at maaari ka ring sumakay kabayong pinapa-arkilahan.
      Ika-lima naming tinungo ang Mines View Park kung saan makikita ang magandang tanawin ng Bagiuo, nagpakuha kami ng litrato habang suot-sout ang damit pang-etniko upang mapreserba ang pangyayari. Sinubukan namin ang iba't-ibang pagkain tulad ng mais na may magarine, strawberry shake, inihaw na pusit at iba pang uri ng street foods. Pagkatapos mananghalian nagtungo kami sa Old Diplomat Hotel, kilala bilang isa sa mga most haunted abandoned hotel sa buong mundo. Ito ay mahahataang matagal ng nakatayo dahil sa mga materyal na yari nito, ang dingding nito ay walang pinturo at may lamat. Tinungo rin namin ang mga kilalang lugar sa Bagiuo tulad ng Good Shepherd, Manaog Church, Bell Church, Philippine Military Academy (PMA), Stabosa Art Mural, Camp John Hay,Burham Park, Night Market, Cafe in the Sky, Salibao Restaurant, Chocolate de Batirol, Balajadia Kitchenette at ang dinadayo sa Bagiuo ay ang Strawberry Farm.